“Isang araw nagtanong ang tao sa Diyos: bakit may mga pagdurusa?… At sumagot ang Diyos sa katahimikan at doon natuklasan ng tao na ang kasagutan na hinahanap niya ay sa sarili lang din niya matatagpuan”. Sábado de gloria o sabado santo, halos patapos na ang very intense week na ito. Matapos ng dalawang araw na intense activities, halos buong araw ay tahimik lang hanggang sa Easter Vigil sa gabing ito. Ano nga ba ang itinuturo sa atin ng silence? Why does God seem to be silent when we cry to him? Why should we embrace silence and not be afraid of it? Heto ang ating mga pagmumunimunihan dito sa last Holy Week Special 2023.

Sana po ay nagustuhan ninyo ang ating Holy Specials at nawa’y nakatulong kami sa inyong pagpapalalim sa espiritualidad de Paschal Triduum. Ngayong gabi, sabay ng pag-awit ng alleluia at papuri, nais din po namin kayong batiin ng “Happy Easter!”.

—-

Maraming salamat po sa pagsubscribe, pag-rate at pag-share. Next week po ay babalik na tayo sa ating regular schedule.