Sa dami ng napapanood ko—well, mostly galing sa mga taga-ibang bansa—nakakacurious pa rin. Ang dami kasing naniniwala na si Emperor Constantine ang nag-imbento ng Catholic Church. Pero… bakit nga ba? Bakit nila pinapakalat na “imbento” lang daw ni Constantine ang Simbahang Katoliko?
Bakit Kaakit-akit ang Paniniwalang “Gawa-gawa lang ni Constantine ang Simbahan”
Simple: kung faith is just a human invention, wala tayong kailangang sundin.
No Church. No moral authority. No accountability.
Parang ang dali tuloy i-reject. Kung gawa-gawa lang pala ng tao ang pananampalataya, then it becomes just another opinion—parang self-help lang: kung may sense sa’yo, sundin mo; kung wala, skip mo. Walang binding truth. Walang obligasyon. Everything becomes relative: “Live your truth,” “Follow your heart,” “As long as you’re not hurting anyone, okay na.”
At kung tutuusin, that sounds comforting. Wala kang pananagutan. Wala kang kailangang baguhin sa sarili mo. You get to be your own god—your own judge of what’s good, what’s true, and what’s right.Kaya appealing talaga ang ideya na “gawa-gawa lang ’yan ni Constantine.” It gives people a reason to detach—emotionally at morally—from the Church. Kung hindi totoo, hindi na kailangan seryosohin. Hindi mo kailangang sumunod sa turo tungkol sa kasalanan, kabanalan, o sakripisyo. Hindi mo kailangang magbago, magpatawad, o magmahal nang mahirap.

Pero Totoo Ba?
Kasi kung totoo ang pananampalataya—kung totoo na may Diyos at si Kristo ang nagtatag ng Simbahan—then we can’t just walk away without consequence.
Then we are accountable.
Then we need to listen, to obey, to convert.
At doon nagiging mahirap. Kasi truth demands something from us. Love demands sacrifice. And faith, if it’s real, will always call us out of comfort and into commitment.
Kaya maraming umaayaw. Mas madali ang “gawa-gawa lang ’yan” kaysa “baka totoo nga ’yan at ako ang kailangang magbago.”
Ang Lure ng Conspiracy Theories
Let’s be honest—conspiracy theories sell.
“Ah, kasi power grab lang ’yan.”
“Sinira ni Constantine ang ‘true Christianity.’”
’Yan ang kwento ng ilang ex-Catholics o anti-Catholic influencers online. Emotional. Sensational.
Pero, sadly—not historical.
Habang binabasa ko ang When the Church Was Young ni Marcellino D’Ambrosio, napaisip ako: alam ko ba talagang ganito kalalim ang roots ng Simbahang Katoliko?
Ang Katotohanang Madalas Nakakalimutan: Bago pa si Constantine, Katoliko na
Madalas nating marinig: “Hindi naman ’yan ’yung original. Si Constantine lang ang nagpauso n’yan.” Pero the more I read the early Church Fathers, the more I realized—hindi sila nahuhuli sa panahon… tayo ang minsang nahuhuli sa pagkaunawa.
We rarely study Church history in school. Kaya kapag may narinig tayong bold claim na “the Church was invented in the 300s,” wala tayong maipang-refute. Kaya tuloy parang believable.
Pero kung babasahin mo ang totoong sources—like the writings of the early Christians bago pa si Constantine—you’ll realize: they were already Catholic.They wrote about the Eucharist. About bishops. About apostolic tradition and the visible Church.
At hindi ito basta opinion lang—mga sulat at testimonya ito ng mga taong naturuan mismo ng mga apostol. Firsthand sources. Kung baga sa chismis, sila ang mga “unang nakarinig.”
St. Ignatius of Antioch: Catholic na Bago pa ang 300 AD

Isa sa mga pinaka-nakakabilib ay si St. Ignatius of Antioch.
Nagsusulat na siya as early as 100 AD at ginamit na niya ang term na Catholic Church—hindi para mag-imbento ng bago, kundi para ilarawan ang Simbahang matagal nang umiiral.
Ipinakita niya ang:
- Obedience to bishops
- Real presence of Jesus in the Eucharist
- Unity in the body of Christ
He didn’t sound “Protestant.” He sounded Catholic.
Hindi si Constantine ang Founder—Siya ang Nag-legalize
Kaya mahirap paniwalaan na ang Catholic Church ay “inimbento lang ni Constantine.”
Kung tutuusin, Constantine just legalized something that was already alive, growing, and deeply rooted.
Hindi niya ito pinanganak—parang nakisakay lang siya sa barkong matagal nang lumalayag kahit binabato ng alon.
Nakakalungkot na tayo mismong mga Katoliko, hindi natin kilala ang ating spiritual lolo at lola. We forget their sacrifices—their letters, and their blood spilled in arenas—hindi para sa religion of comfort, kundi para sa katotohanang ipinagkatiwala ni Jesus sa Kanyang Simbahan.
Sino ang Tunay na Founder ng Catholic Church?
Kaya kapag tinatanong ako, “Si Constantine ba ang founder ng Catholic Church?”
I no longer just answer with logic. I answer from the heart:
Hindi siya, kundi ay si Jesus.
Ang mga apostol.
At ang mga unang Kristiyano—mga simpleng tao, inuusig, ngunit tapat na nag-ipasa ng pananampalataya sa luha, sa dugo, at sa pag-ibig.
At the end of the day, ang Constantine theory ay isang convenient excuse para umiwas sa bagay na hindi pa natin lubusang nauunawaan.Pero kung maglalakas-loob kang maghukay nang mas malalim, makikita mo—ang Simbahan ay hindi nagsimula sa kapangyarihan kundi sa pag-uusig; hindi sa palasyo kundi sa kulungan.

Kilalanin ang Pinag-ugatan ng Pananampalataya
Kung mas kilala lang natin ang pinag-ugatan ng ating pananampalataya, baka mas maipagmamalaki pa natin ito—hindi dahil perfect tayo, kundi dahil totoo ang pinaniniwalaan natin.
Discover more from Tamang Usapan Podcast
Subscribe to get the latest posts sent to your email.